Screenshot
Nananatiling manipis hanggang sa kapos na ang suplay ng kuryente sa Visayas Grid, ngayong araw.
Ito ang dahilan kaya’t isasailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Yellow at Red Alert ang naturang Grid mula mamayang hapon hanggang gabi.
Batay sa abiso ng NGCP, epektibo ang Yellow Alert mula alas-2 hanggang alas-5 ng hapon at masusundan ng alas-7 hanggang alas-10 ng gabi.
Habang ang Red Alert status naman ay epektibo mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Nabatid na pitong planta ang bagsak habang 12 planta naman ang bagaman tumatakbo pero nasa derated capacity o kapos sa suplay.