Heads up, travelers! Magbabalik na ang Philippine Travel Mart (PTM), ang longest-running travel trade show sa bansa, para sa ika-37 taon nito.
Sa panayam ng Pasyal Pinas, sinabi ni Philippine Tour Operators Association (PHILTOA) President Maria Lourdes Japson na bibigyang-highlight sa PTM ang mga emerging destinations alinsunod sa temang “Nurturing the NextGen Tourism.”

“Mandate o adhikain ng PHILTOA na sa loob ng PTM ay talagang mag-promote kami ng emerging destinations. Actually, bawat region [ay] ini-encourage namin sila para kahit papaano hindi lang ‘yung mga first hub o major hub ng bawat destination [ang ma-promote] but also the one that is lesser known,” ani Japson.
Dagdag pa niya, asahan ang mala-fiestang event dahil itatampok ang mga tour packages, travel deals, at tourism products at experiences mula sa labingwalong rehiyon sa bansa.

Gaganapin ang 37th Philippine Travel Mart mula September 4 hanggang September 6, 2026 sa SMX Convention Center Manila sa Pasay City.