Nadagdagan pa ang mga benepisyong maaaring makuha at sulitin ng mga Pag-IBIG Loyalty Card Plus holders.
Sa pamamagitan kasi ng isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pag-IBIG at Landers Superstore, mabibigyan na ng exclusive discounts at special offers ang mga mamimiling Pag-IBIG Loyalty Card Plus holders sa 16 na branches ng Landers nationwide.
Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, makatatanggap ang mga Card Plus holders ng free one-year Landers Premium Membership ang mga mamimiling gagastos ng hindi bababa sa ₱3,000.
Puwede namang mag-upgrade sa Executive Membership ang mga mamimiling existing members na rin ng nasabing superstore.
Layunin ng nasabing kasunduan na mabigyan ng pagkakataon ang mga consumer na makabili ng dekalidad na produkto sa bawat sentimong gagastusin nila.