Nasa ligtas na lokasyon na ngayon ang mga narekober na hinihinalang rocket debris sa islang bayan ng Calayan, Cagayan.
Base sa impormasyong ibinahagi ng Philippine Coast Guard (PCG), nakita ng isang residente ang naturang bagay na pinaniniwalaang bahagi ng isang rocket malapit sa dagat sa Sitio Naydi, sa isla ng Babuyan Claro.
Base sa inspection ng kanilang mga tauhan sa lugar, walang nakitang ‘markings’ na kumukumpirma na isa itong rocket debris. Gayunman, maisasailalim pa rin ito sa technical assessment ng mga kinauukulan.
Nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa mga kinauukulang ahensiya para malaman ang origin at iba pang mga impormasyon hinggil sa naturang bagay.
Kasabay nito ay kaniyang pinaalalahanan ang mga mangingisda at coastal residents na iwasan ang paghawak o pangunguha sa mga nakikita nilang ‘unidentified floating objects,’ bagkus agad itong ipagbigay-alam sa mga otoridad.
📷 PCG