Iginiit ni Department of Justice (DOJ) Sec. Frederick Vida na tila isang uri lamang ng pagpapapansin at diversionary tactics ang pagkalat ng balita kamakailan na nahuli na ng mga awtoridad si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ayon kay Vida, wala pa silang anumang natatanggap na impormasyon na nahuli na si Dela Rosa at nagpapatuloy pa rin ang paghahanap sa kanya.
Dagdag pa ng kalihim, hanggang ngayon ay wala pa rin silang anumang validated information patungkol sa pagkakasakote kay Senador Bato.
Paliwanag ng DOJ, sa oras na may law enforcement agency na makahuli kay Sen. Bato, may direktang obligasyon itong ibigay sa kustodiya ng Philippine authorities ang senador, kung saan ang DOJ ang lead agency na dapat mangalaga sa pinaghahanap na senador.
Sa ngayon, nananatili pa ring at-large si Dela Rosa habang walang-patid ang manhunt operations ng mga awtoridad para matunton ang kinaroroonan ng senador.