Photo courtesy of Philippine Commission on Women
Pangungunahan ng Philippine Commission on Women (PCW) ang kauna-unahang Committee on Decorum and Investigation (CODI) Summit na layong palakasin ang pagsusulong ng ligtas at gender-responsive workplaces sa Pilipinas.
Bitbit ang temang “Tindig Babaylan, Pang-aabuso’y Wakasan!” na sumasalamin sa tapang, karunungan, integridad, at malasakit sa kapwa sa lugar ng trabaho, dadaluhan ng mga kinatawan mula sa mga ahensya ng gobyerno, human resource professionals, at gender advocates ang naturang event sa August 13, 2026 sa SMX Convention Center sa Taguig City.
Tampok sa CODI Summit 2026 ang pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa mga umiiral na batas, pagtugon sa mga hamon sa pagpapatupad ng CODI, at pagbuo ng konkretong commitment mula sa public at private sectors.
Ang CODI ay isang mekanismo na nagsisiyasat at tumutugon sa mga kaso ng gender-based harassment o anumang uri ng misconduct sa loob ng isang tanggapan at opisina.
Naniniwala naman ang PCW na ang safe space ay hindi lamang isang polisiya, kundi isang kultura na dapat panatilihin para sa kapakanan ng mga empleyado.