Umabot na sa mahigit ₱105.5 milyon ang halaga ng pinsala sa imprastraktura dahil sa mga Bagyong Luis at Maymay at Habagat.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, mahigit ₱3.5 milyon naman ang halaga ng pinsala sa agrikultura.
Nasa 120 kabahayan din ang naiulat na nasira dahil sa pananalasa ng mga kalamidad.
Anim na ang naiulat na nasawi, habang pito naman ang sugatan.
Kabilang sa mga nasawi ang mga biktima ng landslide sa Benguet, rockslide sa Rodriguez, Rizal, at pagkalunod at pagkakuryente sa La Union.
Apektado ng mga bagyo at Habagat ang mga lugar sa Regions 1, 2, 3, 5, 9, CAR, MIMAROPA, at CALABARZON.