Umabot na sa 2,489,307 pamilyang katutubo o Indigenous Peoples (IPs) ang nakinabang sa KALAHI-CIDSS ng Department of Social Welfare and Development.
Ayon kay KALAHI-CIDSS Director at National Program Manager Bernadette Mapue-Joaquin, nakilahok ang mga IP sa pagtukoy, pagpaplano, pagpapatupad, at pagsubaybay ng mga proyekto sa kanilang komunidad.
Sinabi ni Mapue-Joaquin na isinasaalang-alang sa mga programa ang kultura, tradisyon, at katutubong kaalaman ng mga IP.
Ginagamit ng DSWD ang community-driven development approach upang palakasin ang partisipasyon ng mga komunidad, lalo na sa mahihirap at GIDA.
Kabilang din ang laki ng populasyon ng mga IP sa pamantayan sa pagpili ng 500 munisipalidad para sa Panahon ng Pagkilos, Philippine Community Resilience Project.
Inilabas ng DSWD ang pahayag kasabay ng paggunita sa National Indigenous Peoples Day at International Day of the World’s Indigenous Peoples noong August 9.