Photo courtesy of House of Representatives
Nasa ₱10.773 bilyon ang kabuuang confidential at intelligence funds na nakapaloob sa panukalang 2027 National Expenditure Program.
Sa pulong balitaan, tinukoy ni DBM acting Sec. Kim De Leon na ₱4.368 bilyon rito ang confidential funds habang ₱6.405 bilyon naman ang intelligence funds.
Mas mababa ito ng 8.8% kumpara sa ₱11.818 bilyon na confidential at intelligence funds sa 2026 General Appropriations Act.
Tanging mga ahensyang legal na awtorisadong magsagawa ng confidential at intelligence functions ang maaaring makatanggap ng naturang pondo.
Iginiit ni De Leon na mananatili itong saklaw ng umiiral na budget utilization, liquidation, at auditing rules.
Layunin nitong matiyak na ang confidential at intelligence funds ay gagamitin lamang para sa kanilang itinakdang layunin.