Nakatakdang isagawa sa lungsod ng Naga ang 2-day Trabahong Digital Job Fair sa pangunguna ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa August 13 to 14, 2026 sa Robinsons Naga.
Layunin ng dalawang araw na job matching at upskilling activity na ito sa ilalim ng Trabahong Digital Initiative ay matulungan at maiugnay ang mga job seekers, estudyante, freelances, MSMEs, riders at mga negosyante sa mga posibleng employers at kompanya na maaaring makapagbigay ng digital at digitally enabled employment opportunities.
Inaasahang darating at makikiisa sa aktibidad sa August 13, 2026 si DICT Sec. Henry Aguda at iba pang kinatawan mula sa DICT gayundin si Naga City Mayor Leni Robredo.
Bukod sa gagawing Trabahong Digital Job Fair, magkakaroon din ng learning lessons sa ikalawang araw ng aktibidad.
📷 DICT Region V – Bicol