Nilinis na ang mga paaralan sa Lungsod Marikina matapos gamitin bilang evacuation center sa kasagsagan ng mga nagdaang bagyo at Habagat.
Alinsunod sa direktiba ni Marikina Mayor Maan Teodoro, agad na nagsagawa ng cleaning, flushing, sanitation, at disinfection sa mga paaralan.
Dito, nilinis at inayos ang mga silid-aralan, pasilyo, hagdanan, at iba pang pasilidad ng paaralan upang matiyak ang ligtas na pagbabalik ng mga mag-aaral at guro.
Nabatid na umabot sa 2,021 na pamilya o katumbas ng 11,000 indibidwal ang nagsilikas sa iba’t ibang mga evacuation center sa Lungsod ng Marikina noong kasagsagan ng bagyo at Habagat.
Kasama sa pinakamaraming evacuee ang Malanday Elementary School at H. Bautista Elementary School.
Samantala, bukod sa mga paaralan, nagsagawa rin ng clearing operations sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

