Photo courtesy of Senate of the Philippines
Igniit ni Senador Loren Legarda ang buong pagbabalik ng mga pondong nakalaan sa Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Kinuwestiyon ni Legarda ang ₱107.23-billion na kinuha mula sa pondo ng PDIC, gayong ₱57 billion lang ang nakatakdang ibalik sa ilalim ng panukalang 2027 national budget sa pamamagitan ng unprogrammed appropriations.
Binanggit rin ng senador ang kakulangan ng pondong inilaan para sa PhilHealth, kabilang ang tinatayang ₱133.24-billion na kakulangan sa Sin Tax Revenues at ₱106.95-billion na hindi pa naibabayad na bahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office
(PCSO) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Binigyang-diin ni Legarda na dapat maibalik at mailaan nang tama ang mga pondong ito alinsunod sa batas para maprotektahan ang mga depositor at matiyak ang serbisyong pangkalusugan ng mga Pilipino.