Ikinasa na ng lokal na pamahalaan ng Baguio ang Relief and Recovery stage kaugnay ng nangyaring landslide sa Barangay Guisad Surong na ikinamatay ng 10 katao.
Ayon mismo kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, nakipag-ugnayan na sila sa Mines and Geosciences Bureau kung saan idineklara na ang ground zero ng nasabing landslide bilang “no build zone”.
Nangangahulugan ito na hindi na hahayaang makabalik pa ang mga residente sa nasabing lugar upang magtayo ng kanilang bahay o anomang istruktura.
Patuloy naman ang paghahanap ng Baguio LGU ng relocation site para sa mga residenteng naapektuhan ng landslide habang patuloy na sinasagot ng DSWD ang rental costs ng mga na-displace na pamilya.
Nagkakasa na rin ng lokal na pamahalaan ng Baguio ng mga engineering strategies upang hindi na maulit pa ang nasabing insidente sa iba pang lugar sa Baguio.