Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na bumubuo na ito ng rehabilitation at recovery plan para sa mga lugar na naapektuhan ng pinalakas na Habagat at Bagyong Kiyapo.
Ayon sa DA, umabot sa kabuuang P126.54 milyon ang pinsala sa agrikultura sa Ilocos, CALABARZON, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at SOCCSKSARGEN.
Nasa 3,906 na magsasaka ang naapektuhan, habang 3,580 ektarya ng sakahan ang nasira.
Tinatayang 3,938 metric tons ng produksyon ang nawala, kabilang ang palay, mais, high-value crops, kamoteng kahoy, paghahayupan, at mga imprastraktura sa agrikultura.
Sinabi ng DA na nakahanda ang mga binhi, ayuda sa livestock, pautang sa ilalim ng SURE Loan Program, at indemnipikasyon para sa mga kwalipikadong nakasigurong magsasaka.