Kaya nang makahabol ng mga mag-aaral sa kanilang mga aralin nang hindi nababalam dulot ng masamang panahon sa ilalim ng three-term calendar.
Ito ang tinuran ni Education Secretary Sonny Angara, upang hindi magkaroon ng learning loss ang mga estudyante sa kabila na rin ng sunod-sunod na kalamidad na dumarating sa bansa.
Kaya naman sinabi ng kalihim na wala siyang nakikitang dahilan para magpatupad ng karagdagang make-up classes sa tuwing magkakaroon ng sama ng panahon.
Magugunitang ipinatupad ng DepEd ang three-term calendar na nakatakdang magtapos sa April 8 ng susunod na taon.
Sa ilalim nito, sinabi ni Angara na maaaring magkaroon ng catch-up sa tuwing end-of-term ang mga guro at mag-aaral nang hindi kailangang magdagag ng araw ng klase bago matapos ang isang school year.