Nagtapos ang 23 Albayanos sa Freelancing–General Virtual Assistant o GVA 2.0: A Paradigm Shift in AI-Powered Interaction Training Program ng pamahalaang panlalawigan ng Albay at DICT Region V, na isinagawa upang ihanda ang mga kalahok sa digital workforce.
12 sa mga nagsipagtapos ang nakakuha na ng remote employment, habang siyam naman ang kinilalang medalists matapos makumpleto ang tatlong yugto ng pagsasanay—face-to-face sessions, virtual learning, at online campaign para maiugnay ang mga trainee sa potensyal na kliyente at freelancing opportunities.
Binigyang-diin ni OIC-PPDO Engr. Eduardo Matias Jr. na hindi lamang technical skills ang kailangan upang magtagumpay sa freelancing, kundi maging communication skills, patuloy na pagkatuto, propesyonal na pag-uugali, at responsableng paggamit ng Artificial Intelligence.
Samantala, tumanggap din ang pamahalaang panlalawigan ng Albay ng “PagOnra 2026: Bayani sa Last Mile Award” mula sa DICT Region V bilang pagkilala sa pagsusulong nito ng digital literacy, ICT skills development, at inclusive digital empowerment sa mga Albayano.
📷 BM Manny Rebaya via Albay PPDO