Photo courtesy of DSWD Field Office 1
Nagkaloob ang pamahalaan ng tig ₱2,000 halaga ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport o UPLIFT assistance sa 277 benepisiyaryo sa Tubao, La Union.
Hindi naging hadlang ang kalagayan ng panahon sa ‘Angels in Red Vests’ ng DSWD Field Office 1 upang ipamahagi ang UPLIFT assistance sa mga kuwalipikadong residente.
Kabilang ang mga benepisiyaryo sa tinatawag na Group 2 o mga ‘poor o near-poor.’
Inaasahang tatanggap ang mga benepisiyaryo ng tig ₱2,000 na UPLIFT assistance sa bawat buwan hanggang Disiyembre sa pamamagitan ng kanilang enrolled banks o e-wallets.
Ito’y alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapalawak ang implementasyon ng UPLIFT Program upang mabigyang ginhawa ang mga dumaranas ng mga pagsubok.