Inihayag ng House prosecution panel ang buong suporta nito sa posibleng pagsasagawa ng Commission on Audit (COA) ng isang hiwalay na fraud audit kaugnay ng mga kontrobersyal na confidential expenditures ng Office of the Vice President (OVP).
Paliwanag ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, iba ang fraud audit sa regular na audit na nauna nang naglabas ng Notice of Disallowance at nag-utos na isauli ang P73 milyong pondo ng OVP.
Sa nagdaang pagdinig, kinumpirma ni COA–Intelligence and Confidential Funds Audit Office (ICFAO) auditor Xylene Del Campo na pinag-aaralan pa ng komisyon kung kinakailangang magsagawa ng naturang audit.
Binigyang-linaw din ng trial spokesperson Zia Alonto Adiong na hindi maaaring gamiting pambayad o i-reimburse sa confidential funds ang mga gawaing natapos na bago pa man mailabas ang mismong pondo.
Ayon pa kay Rido, ang paglilipat ng confidential funds sa mga taong hindi naman organic employees ng OVP o DepEd ay malinaw na paglabag sa mga umiiral na patakaran.