Pinangunahan ni Department of Finance (DOF) Secretary Frederick Go ang mas pinalakad na kampanya laban sa smuggling matapos bisitahin ang operasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) sa Mandaue City at Cebu City, kung saan winasak ang sandamakmak na kumpiskadong ilegal na sigarilyo at kagamitan.
Umaabot sa humigit-kumulang ₱240.64 milyon ang nawala na excise tax at multa mula sa mga nasabat na kontrabando, kabilang ang mga pekeng Internal Revenue stamps, higanteng makina sa paggawa ng sigarilyo, raw materials, at mga nakalalasong kemikal.
Nagbabala si Sec. Go na ang bawat pisong nanakaw sa pamamagitan ng smuggling ay direktang pagnanakaw sa pondo para sa mga paaralan, ospital, kalsada, at sahod ng mga guro’t pulis.
Bukod dito, pinalalala rin ang banta sa kalusugan ng mga mamamayan.
Binigyang-diin ng DOF at BIR na buo ang suporta nito sa mas pinahigpit na paghabol, paghuli, at pagpapatataw ng matinding parusa sa mga tax evader at smuggler sa buong bansa.
