“Does violence run in the family?”
Ito ang naging tanong ni House prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon kaugnay ng magkahiwalay na kasong grave threats na kinakaharap nina Vice President Sara Duterte at ng kanyang kapatid na si Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte.
Ayon kay Ridon, ngayon lamang nila nalaman na may kinakaharap din palang isyu ng grave threats si Rep. Duterte.
Isinagawa ni Ridon ang pahayag matapos mapaulat na sinamahan ng Bise Presidente ang kanyang kapatid sa arraignment nito sa Davao City.
Binigyang-diin naman ni House Prosecution Panel spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na dapat ay pantay na pagpapahalaga ang ibigay ng Bise Presidente sa kanyang sariling impeachment trial sa Senado at sa kaso ng kanyang kapatid.
Ayon kay Adiong, ang ipinakitang loyalty o obligasyon ni VP Duterte sa kanyang kapatid ay dapat ding kapareho ng obligasyong dapat niyang gampanan sa taong-bayan sa pamamagitan ng pagharap sa mga pormal na akusasyon laban sa kanya.
Diin naman ni Ridon mukhang “selective” yung pagpunta niya sa ganitong klaseng issue.