Nag-deploy na ng investigating team ang Maritime Industry Authority (MARINA) para imbestigahan ang insidente sa nasunog na passenger vessel sa Coron, Palawan.
Ang naturang team ay pamumunuan ng mga tauhan ng MARINA Regional Office IV upang makipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard at tutulong sa operasyon.
Kaugnay niyan ay agad na sinimulan ng MARINA Enforcement Service ang Marine Safety Investigation upang matukoy ang mga pangyayari at sanhi ng insidente.
Magugunitang nasunog kamakalawa (Sept.9) ang pampasaherong barko na MV June Aster sa karagatang sakop ng Barangay Marcilla, Coron, Palawan kung saan lima ang naiulat na nasawi, 43 ang survivors at 84 ang hinahanap pa sa nagpapatuloy na search and rescue operation