Ibinasura ng Korte Suprema ang administrative case na inihain ng Office of the Ombudsman laban sa pitong mahistrado ng Court of Appeals.
Ito ay kaugnay sa kanilang pagbaliktad sa suspension order ng ilang opisyal sa bayan ng Antique noong 2024.
Sa resolusyon na may petsang December 3, 2025 na inilabas ngayong Biyernes, sinabi ng Kataas-taasang Hukuman na dismissed ang kaso dahil sa kalulangan ng merito at “being judicial in nature”
Inihain ang reklamo noong Marso ng nakaraang taon ni dating Ombudsman Samuel Martires laban sa mga mahistrado ng appellate court na may kinalaman sa pagbaliktad ng naunang ruling.
Pinangalanan sa resolusyon ang mga CA justice na sina Marlene Gonzales-Sison, Rafael Santos, Louis Acosta, Roberto Quiroz, Rex Bernando Pascual, Mary Charlene Hernandez-Azura at Ferdinand Baylon.
Sinuspinde ng Ombudsman sa loob ng anim na buwan si Tobias Fornier Mayor Ernesto Tajanlangit III pero pinawalang-bisa at binaliktad ng CA.