Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na walang Pilipinong nadamay mula sa aksidente sa United Arab Emirates na ikinasawi ng 11 indibidwal.
Ito ay ang naging banggaan sa pagitan ng isang truck at bus sa Al Watan Road sa lungsod ng Ras Al Khaimah.
Ayon sa tagapagsalita ng DFA na si Analyn Ratonel, batay sa report ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi ngayong umaga walang napaulat na Pinoy na apektado sa insidente.
Nauna na namang nagpaabot din ng pakikiramay ang embahada sa mga pamilya ng nasawi sa insidente. Tiniyak din ng Filipino community ang pakikiisa sa pagluluksa ng mga pamilya.
Nagpasalamat din ang embahada sa mga emergency responder at medical team dahil sa mabilis nilang pagtugon sa insidente.