Nananatili sa upward trend ang presyuhan ng mga produktong petrolyo base sa ikaapat na araw ng trading days sa mean of platts Singapore.
Inihayag ni Department of Energy – Oil Industry Management Bureau o DOE-OIMB Director. Rino Abad na papalo sa ₱4.39 ang kada litro ng gasolina.
Sa diesel at kerosene naman ay kapwa nagtala ng pagtaas na ₱2.54 kada litro.
Ani Abad, mas nag-iiba ngayon ang presyo ng diesel at kerosene kaya mas mababa ang naitalang taas-presyo ngunit ang gasolina ay napanatili ang mataas na galaw nito sa loob ng tatlong araw na trading day.
Ang nasabing paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod pa rin ng tensiyon sa Gitnang Silangan.