Nakiisa ang Presidential Broadcast Service, Bureau of Broadcast Services o PBS-BBS sa ginanap na NCR leg ng Civil Service Commission o CSC Lingkod Bayani Run 2026 ngayong Setyembre 13 sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Kabilang ang mga kawani ng PBS-BBS sa mahigit 16,000 runners na lumahok sa taunang fun run bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-126 na Philippine Civil Service Anniversary.
Sa temang “Stride as One, Serve the Nation,” nilahukan ng mga kinatawan ng PBS-BBS ang 3-kilometer run bilang pakikiisa sa pagsusulong ng malusog na pamumuhay, pagkakaisa, at pagpapahalaga sa kapakanan ng mga lingkod-bayan.
Hindi lamang ito simpleng takbuhan, dahil layunin din ng aktibidad na makalikom ng pondo para sa Pamanang Lingkod Bayani Program, na nagbibigay-pugay sa mga public servant na nagbuwis ng buhay habang naglilingkod sa bayan.