Kasado na ang mga paghahanda ng lalawigan ng Iloilo para sa ikakasang Handog sa Pangulo program sa darating na September 14.
Ayon kay Iloilo Provincial Information and Community Affairs Office Head Nereo Lujan kasado na ang serye ng mga aktibidad sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang lokal na pamahalaan at mga national government agencies na naglalayong maghatid ng iba’t ibang serbisyo-publiko.
Kabilang na nga rito ang Inter-Agency Service caravans na pangungunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at iba pang ahensiya.
Inaasahang malaki ang maitutulong ng mga programang ito sa pag-angat ng antas ng pamumuhay at pangkalahatang kaunlaran ng mga Ilonggo.
Papalo sa hindi bababa sa 4,000 Ilonggo ang makikinabang sa Handog sa Pangulo program.