Inilabas na ng Malacañang ang opisyal na listahan ng mga regular holiday at special non-working day sa buong bansa para sa taong 2027 sa pamamagitan ng Proclamation No. 1427. Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang naturang proklamasyon noong Setyembre 8, 2026, kasama ang lagda ni Acting Executive Secretary Ralph G. Recto.
Layunin ng proklamasyon na bigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makapagplano nang maaga sa kanilang mga aktibidad, mapaigting ang ugnayan ng pamilya, at maisulong ang lokal na turismo sa bansa.
Regular Holidays
- Bagong Taon: Enero 1 (Biyernes)
- Huwebes Santo: Marso 25
- Biyernes Santo: Marso 26
- Araw ng Kagitingan: Abril 9 (Biyernes)
- Araw ng Manggagawa: Mayo 1 (Sabado)
- Araw ng Kalayaan: Hunyo 12 (Sabado)
- Araw ng mga Bayani: Agosto 30 (Huling Lunes ng Agosto)
- Araw ni Bonifacio: Nobyembre 30 (Martes)
- Araw ng Pasko: Disyembre 25 (Sabado)
- Araw ni Rizal: Disyembre 30 (Huwebes)
Special (Non-Working) Days
- Ninoy Aquino Day: Agosto 21 (Sabado)
- All Saints’ Day: Nobyembre 1 (Lunes)
- Feast of the Immaculate Conception of Mary: Disyembre 8 (Miyerkules)
- Huling Araw ng Taon: Disyembre 31 (Biyernes)
Karagdagang Special (Non-Working) Days
- Chinese New Year: Pebrero 6 (Sabado)
- Black Saturday: Marso 27
- All Souls’ Day: Nobyembre 2 (Martes)
- Bisperas ng Pasko (Christmas Eve): Disyembre 24 (Biyernes)
Special (Working) Day
- EDSA People Power Revolution Anniversary: Pebrero 25 (Huwebes)
Inihayag din sa proklamasyon na ang mga pambansang holiday para sa pagdiriwang ng Eidul Fitr at Eidul Adha ay hiwalay na idadaklara matapos matukoy ang tinatayang petsa ng mga ito batay sa kalendaryong Islamiko (Hijra) o lunar calendar. Magbibigay ng rekomendasyon ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) sa Tanggapan ng Pangulo para sa mga eksaktong petsa nito.
Inatasan naman ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magpalabas ng mga alituntunin at gabay para sa pagpapatupad ng nasabing proklamasyon.