Photo courtesy of Alaminos City Health Office
Naghatid ng libreng serbisyong pangkalusugan ang Alaminos City Health Office (CHO) sa mga evacuation center sa lungsod.
Isinagawa ang medical consultation, at pamamahagi ng micronutrient supplements at libreng gamot sa evacuees sa Barangays San Vicente, San Jose, Palamis at Poblacion na lumikas dahil sa pagbaha sa lungsod.
Kasabay nito, hinikayat ng CHO ang mga residenteng may exposure sa baha o maruming tubig na agad magpakonsulta upang masuri ang posibleng panganib ng leptospirosis.
Tiniyak naman ng tanggapan ang supply ng doxycycline para sa mga residenteng mangangailangan nito.
Gayunman, nilinaw ng CHO na kinakailangang sumailalim muna sa konsultasyong medikal ang mga pasyente bago uminom ng doxycycline upang matukoy ng health professional kung kinakailangan ang nabanggit na gamot at kung ito ay angkop sa kanilang kondisyon.