Kinokonsidera na ng Senado ang pagsasagawa ng committee hearings para sa panukalang 2027 national budget tuwing Sabado para mabawi ang mga araw na nasuspinde o pinaikli dahil sa masamang panahon.
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, malaking hamon sa legislative calendar nila ang mga work disruption dahil nakatakda nang simulan ng Senado ang deliberasyon sa panukalang pambansang budget.
Aniya, posibleng gawing opsyon ang Sabado, kung kinakailangan, para makahabol sa mga agenda ng Senado.
Kahapon (August 17), pinaikli ng Senado ang working hours at suspendido naman ang plenary session at impeachment trial ni Vice President sara duterte ngayong araw (August 18) dahil sa epekto ng Habagat.
Samantala, sinabi ni Gatchalian na nananatiling nasa schedule ang impeachment trial ni VP Sara.
Ayon sa Senate President, susubaybayan nila kung kakailanganin ng dagdag na hearing days o mas mahabang oras ng paglilitis, lalo na kung muling maaapektuhan ng panahon ang trabaho ng Senado.