📸 QC LGU
Tuloy-tuloy ang drainage clearing operations ng Quezon City Government, sa pangunguna ng Quezon City Department of Engineering (QCDE), matapos ang matinding pag-ulan sa lungsod kahapon.
Ayon sa Quezon City LGU, umabot sa mahigit 200 millimeters ng ulan sa loob lamang ng limang oras ang naitala sa lungsod, katumbas ng tinatayang 12 araw na karaniwang pag-ulan.
Kabilang sa isinailalim sa clearing operations ang Don Jose Street sa Barangay Sto. Domingo, Quirino Highway sa Barangay Gulod, Kalayaan Ave. sa Barangay Central, V. Luna Ave. sa Barangay Sikatuna Village, Capoas Street sa Barangay Masambong, at G. Araneta Ave. corner E. Rodriguez Sr. Ave. sa Barangay Tatalon.
Nagsagawa rin ng clearing operation para sa tumumbang puno sa Pall Mall Street, Barangay Fairview, habang isinagawa pumping out ng tubig-baha sa G. Araneta Ave. corner E. Rodriguez Sr. Ave.
Katuwang ng QCDE ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga isinagawang clearing operations.