Isinasailalim na sa forensic analysis ng pulisya ang mga ebidensya upang matukoy ang posibleng motibo sa pamamaril ng Grade 9 student sa loob ng Ateneo de Zamboanga University.
Sa panayam ng media sa Camp Crame, sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na kabilang sa sinusuri nila ang gaming at chat history ng estudyanteng namaril.
Bukod dito, nagsasagawa rin ng panayam ang mga awtoridad sa mga magulang at pamunuan ng paaralan bilang bahagi ng full investigative report.
Ayon kay Remulla, masalimuot ang prosesong ito at maaaring tumagal nang isa hanggang dalawang araw bago matukoy ang posibleng dahilan ng salarin.
Matatandaang dalawang ang nasawi sa insidente kabilang na ang estudyanteng namaril. | ulat ni Diane Lear