Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development - DSWD
Dinalaw ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang mga estudyanteng nasugatan sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School kahapon.
Ayon kay Gatchalian, utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang kaligtasan at pagbangon ng mga biktima at ng buong komunidad ng paaralan.
Nanawagan din ang kalihim sa publiko, media, vloggers, at content creators na itigil ang pagpo-post at pagbabahagi ng sensitibo at graphic na mga larawan at video ng insidente.
Giit ni Gatchalian, maaari itong magdulot ng dagdag na trauma sa mga biktima at kanilang pamilya, lalo na sa mga menor de edad na sangkot sa insidente.
Sinabi ng kalihim na maayos ang paggaling ng mga nasugatan, ngunit hindi na siya nagbigay ng mga detalye dahil sa patient confidentiality. Magbibigay rin ang DSWD ng psychosocial support, kung kinakailangan, at makikipag-ugnayan sa pamunuan ng paaralan upang matukoy ang iba pang kailangang tulong.