Hiniling ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Kongreso na repasuhin at higpitan ang mga batas sa baril kasunod ng pamamaril sa isang paaralan sa Zamboanga City.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, 98% ng mga krimeng may kinalaman sa baril ay gumagamit ng loose firearms.
Nanawagan si Remulla na magkaroon ng mas mabigat na pananagutan ang mga may-ari ng baril kapag nagamit ito ng ibang tao sa krimen.
Iginiit din niyang dapat pag-aralan ang pagturing sa illegal possession of loose firearms bilang isang non-bailable offense.
Samantala, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na dalawang baril ang narekober sa lugar ng insidente, kabilang ang Glock 22 at Glock 9mm, bukod sa conversion kit at iba pang ebidensya.
Batay naman sa datos ng PNP, 50 school-related incidents na kinasasangkutan ng mga menor de edad ang naitala mula June 16 hanggang August 18. Kabilang dito ang shootings, shooting threats, bomb threats, at death threats.