Pormal nang idineklara ang Munisipalidad ng Bugallon, Pangasinan bilang nasa ilalim ng state of calamity sa pamamagitan ng Sangguniang Bayan Resolution No. 123, Series of 2026, na inaprubahan nitong August 19, 2026.
Layunin ng deklarasyon na bigyang-daan ang Pamahalaang Bayan na mabilis na ma-mobilize ang mga kaukulang pondo at mapabilis ang relief at response operations para sa mga apektadong residente.
Nanawagan ang lokal na pamahalaan sa lahat ng mga Kabaleyan na manatiling alerto, mapagmatyag, at patuloy na makipagtulungan sa mga awtoridad.
Tiniyak ng Pamahalaang Bayan ng Bugallon na patuloy itong nakaagapay at magbibigay ng kinakailangang tulong sa bawat mamamayan sa gitna ng kasalukuyang kalamidad.