Opisyal nang inilunsad ngayong araw, Agosto 20, 2026, ang programang Paleng-QR Ph Plus sa bayan ng San Manuel, Pangasinan, upang isulong ang mas ligtas, mabilis, at modernong digital payment system sa mga pampublikong pamilihan at pampublikong transportasyon.

Ang naturang inisyatiba ay pinangunahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan, kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan at stakeholders.
Layunin nitong ilapit sa mga lokal na tindera, mamimili, at tsuper ang paggamit ng QR code sa kanilang mga pang-araw-araw na transaksyon.
Sa pamamagitan ng Paleng-QR Ph Plus, bubuuin ang mas inklusibong lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng pagsuporta sa digitalization ng mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) at maliliit na negosyo sa bayan.
Bukod sa pagpapabilog ng digital transition sa probinsya, layunin din ng DTI Pangasinan na palakasin ang financial inclusion at hikayatin ang mas maraming Pilipino na gumamit ng secure at modernong teknolohiya sa pagbabayad nang hindi na kailangang magdala ng pisikal na pera.
📷 DTI Pangasinan