Arestado ang isang Chinese national sa isang condominium sa Brgy. Tambo Parañaque City dahil sa pagbebenta online ng iligal na droga.
Sa isinagawang buy-bust operation ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District nahuli sa Chinese national ang ₱350,000 na halaga ng hinihinalang iligal na droga.
Limampung gramo o apat na sachet na pinaniniwalaang shabu, meron ding walong tableta na posibleng ecstasy, isang sachet ng hinihinalang cocaine, at isang sachet pa ng marijuana o kush.
Mahaharap ang suspek sa patong-patong na kaso sa ilalim ng Republic Act 9165 at dadaan naman sa inquest proceedings.
Nangako ang Southern Police Disctrict na patuloy ang drug operations at paghuli sa mga nasa likod nito ano man ang nationality ng mga suspek.