Photo courtesy of Executive Secretary Ralph Recto Facebook
Pangungunahan ni Executive Secretary Ralph Recto ang pagdaraos ng Bagong Pilipinas Rice Distribution at Bawat Barangay Makikinabang Assistance Roll-out sa Iloilo, ngayong Martes, Agosto 25.
May 1,500 benepisyaryo mula sa iba’t ibang sektor ang tatanggap ng bigas sa ilalim ng Bagong Pilipinas Rice Distribution, na ipatutupad sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF) ng pambansang pamahalaan sa Pavia, Iloilo.
Dadalo rin si ES Recto sa turnover ng Socio-Civic Projects Fund (SCPF) checks para sa programang Bawat Barangay Makikinabang para sa mga barangay sa lalawigan ng Iloilo, na isasagawa sa Iloilo Convention Center.
Matatandaang naglaan ang national government ng ₱344 milyon para sa Bawat Barangay Makikinabang sa Iloilo. Sa ilalim ng programa, makatatanggap ng tig-₱200,000 ang 1,721 barangay sa lalawigan.
Sa nasabing pondo, ₱100,000 ang ilalaan para sa Presidential Scholars, habang ang natitirang ₱100,000 ay gagamitin para sa mga prayoridad na pangangailangan sa grassroots development at mga community project ng bawat barangay.
Samantala, magbibigay rin ng mensahe si ES Recto sa League of the Municipalities of the Philippines (LMP) National Congress – Luzon Chapter.