Pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Casiguran, Sorsogon ang panamahagi ng tig-₱200,000 tulong pinansyal sa 25 barangay ng bayan mula sa Bawat Barangay Makikinabang Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Present sa pamamahagi sina Vice Mayor Dennis Escudero, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ang pamamahagi ng mga tseke na tinanggap ng mga Punong Barangay at Barangay Treasurer, nitong August 25.
Sa naturang halaga, ₱100,000 ang ilalaan para sa Educational Assistance, kung saan limang benepisyaryo sa bawat barangay ang tatanggap ng tig-₱20,000 para sa kanilang pag-aaral.
Habang ang natitirang ₱100,000 naman ay gagamitin para sa mga priority project ng bawat barangay, batay sa kanilang pangangailangan at prayoridad.
Bukod dito, nakatanggap din ang bawat barangay ng karagdagang ₱1,000 mula sa LGU Aid to Barangay.
Ayon sa Casiguran Municipal Information Office, bago isinagawa ang pamamahagi ng naturang ayuda, binigyang-diin sa mga opisyal ng barangay ang maayos, responsable, at transparent na paggamit ng pondo, upang matiyak na ito ay mapupunta sa mga programang tunay na makikinabang ang mga residente.