Photo courtesy of House of Representatives
Dinagdagan ng Marcos Administration ng ₱10 billion ang pondo na nakalaan para sa revised AFP Modernization Program.
Ayon kay Budget Acting Secretary Kim de Leon, dahil sa hakbang na ito, aabot na sa ₱50 billion ang alokasyon sa programa para sa 2027.
Bahagi ito ng effort ng gobyerno na lalo pang palakasin ang defense capabilities ng bansa sa gitna ng umiigting na mga hamon sa seguridad.
Maliban dito, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na nakasaad din sa proposed 2027 budget ang ₱73.67 billion para sa subsistence allowance ng 583,130 military and uniformed personnel (MUP).
Layunin nitong ipagpatuloy ang suporta ng gobyerno sa mga sundalong nasa frontline ng national security, peace and order, at public safety.