Pina-subpoena ng Senate Impeachment Court si Atty. Michael Poa, ang tagapagsalita ng defense team at isa sa mga defense counsel ni Vice President Sara Duterte sa ginagawang paglilitis sa kaso laban sa bise presidente.
Sa kahilingan ng prosekusyon, kabilang si Poa sa mga nakalinyang iharap bilang testigo para sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa article 1 ng articles of impeachment laban kay VP sara o ang alegasyon tungkol sa maling paggamit ng confidential funds.
Pero bago sumalang si Poa sa witness stand, mauuna muna ang dalawang opisyal ng AFP na una nang pina-subpoena na sina Lt. Col. Manaros Boransing II at Lt. Col. Magtangol Panopio.
Hindi naman na pahaharapin ng prosekusyon ang unang tinukoy sanang witness na si Maj. Gen. Adonis Bajao.
Pina-subpoena rin ng Impeachment court si Marizza Grande ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ang subpeona kina Poa at Grande ay para sa petsang September 2, Miyerkules. | ulat ni Nimfa Asuncion