Nagsagawa ang Provincial Government of Pangasinan, sa pamamagitan ng Pangasinan Provincial Employment Services Office o PESO, ng AI-Powered Career Development Training para sa mga jobseeker, estudyante, at empleyado.
Tampok sa training ang paggamit ng Gemini Notebook at Gemini para sa paglago at productivity.
Layunin ng programa na palakasin ang digital skills ng mga kalahok at ihanda sila sa mga trabaho na nangangailangan ng kaalaman sa makabagong teknolohiya.
Sa training, tinuruan ang mga kalahok kung paano tukuyin ang mga in-demand na kasanayan sa kanilang target na industriya, gumawa ng learning paths at training plans, at gamitin ang AI platforms para mapahusay ang kanilang productivity.
Ayon sa PESO, nagsisilbi itong gabay sa mga jobseeker upang maiangkop ang kanilang kakayahan sa kasalukuyang pangangailangan ng labor market.
Patuloy naman ang Provincial Government of Pangasinan sa mga programang naglalayong magpaunlad ng skills at ihanda ang mga Pangasinense sa nagbabagong digital economy.
📷 Pasinan Provincial Government