Nakatutok na ang Provincial Government ng Pampanga sa lawak ng pinsala ng mga nagdaang bagyo at matinding habagat na nagdulot ng pagbaha sa buong probinsya partikular sa sektor ng agrikultura.
Sa panayam ng Bangon, Bayang Mahal kay Pampanga Governor Lilia Pineda, kinumpirma nitong naglaan na mismo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng tulong sa mga magsasaka at magingisdang napinsala ng masamang panahon.
Ang mga magsasakang nalubog ang mga pananim sa baha ay may ilalaan nang panimulang pondo upang sila ay makapagtanim muli.
Isinasaayos na rin ng provincial government ang ilalaan nitong tulong para sa mga apektadong miyembro ng agri sector sa probinsya ng Pampanga.