Tinawag ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. na isang “propaganda institution” ang website ng Chinese Embassy sa Maynila.
Ito ang naging maaanghang na pahayag ng kalihim kasunod ng isinagawang deliberasyon ng Kamara sa budget ng DND para taong 2027.
Ani Teodoro, imbes kasi na maging diplomatiko ang nature ng nasabing website ay tila naging propaganda tool na ito ng China hinggil sa iba’t ibang isyung nais nilang igiit.
Matatandaang una nang nagpalitan ng pahayag sina Defense Sec. Teodoro at ang Chinese Embassy kaugnay ng isinagawang raid ng pamahalaan sa Sanjia Steel sa Tagoloan, Misamis Oriental kung saan ilang paglabag ang naitala kasama na rito ang paggawa ng substandard at radioactive steel.