Sapat ang mga kagamitan, gamot, at human resources ng Department of Health (DOH) sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng Leptospirosis.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service, sinabi ni DOH Health Emergency Management Bureau Director IV, Dr. Bernadette Pua Velasco na matamang tinututukan ang mga ospital at aktibo rin ang koordinasyon sa iba pa para matiyak na walang overcrowding at maibibigay pa rin ang iba’t ibang serbisyong medikal.
Sa kasalukuyan, may 450 kaso ng Leptospirosis ang naka-admit sa mga DOH-hospital sa Metro Manila.