NFA, minamadali ang pag-auction sa aging milled rice bilang paghahanda sa wet harvest season
Ikakasa ng National Food Authority (NFA) ang negotiated auction ng aging pero de-kalidad na milled rice sa pribadong sektor.
Sa programang BOSES, sinabi ni NFA Administrator Dr. Larry Lacson na ang ipapa-auction na 37,000 metric tons ay mula sa mahigit 741,000 bags na dating ipinasubasta ng ahensya.
Mahigit 40,000 na sako ng bigas ang matagumpay na naisabasta noong nakaraang auction.
Layon ng auction na mapaluwag ang mga warehouse bilang paghahanda sa pagbili ng palay sa mga magsasaka sa Setyembre.