Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP na mananatiling mataas ang inflation sa bansa ngayong August 2026, na posibleng pumalo sa pagitan ng 5.5% hanggang 6.5%, batay sa month-ahead inflation forecast nito.
Ayon sa BSP, pangunahing nagtutulak sa inaasahang pagtaas ng inflation ang mas mataas na presyo ng bigas, gulay, prutas, at isda dahil sa hindi magandang kondisyon ng panahon. Dagdag pa rito ang pagtaas ng presyo ng domestic fuel. Gayunman, bahagyang mababawasan ang epekto nito dahil sa pagbaba ng presyo ng karne, mas murang singil sa kuryente, at patuloy na paglakas ng halaga ng piso.
Sinabi rin ng BSP na patuloy nitong babantayan ang mga bagong datos kaugnay ng inflation at paglago ng ekonomiya. Kabilang din sa sinusubaybayan nito ang epekto ng mga kaganapan sa Middle East at ng mga nagdaang weather disturbances sa inflation at pangkalahatang kalagayan ng ekonomiya.
Noong July 2026, naitala ang inflation sa bansa sa 6.2%.