Nasa walong pantalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang patuloy na binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG), kasunod ng mga naranasang sama ng panahon sa bansa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab na base sa pinakahuling tala, nasa 38 ang mga stranded pang pasahero, partikular mula sa San Agustin, Romblon.
Habang sa iba pang pantalan, mayroon pa ring mga nananatiling motorbancas at barko na hindi pa makapalaot.
Sabi ng opisyal, abala rin ang kanilang hanay sa pag-alalay sa relief repacking ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Habang nagpapatuloy pa ang kanilang search and rescue operations sa iba’t ibang lugar na nakaranas ng pagbaha.