Nakabalik na sa kanilang mga tahanan ang ilang pamilyang inilikas dahil sa baha dulot ng mga pag-ulan sa Quezon City, habang nananatili pa rin sa evacuation centers ang iba pa.
Kabilang sa mga pinayagang makauwi ang mga evacuee mula sa Sto. Domingo Parish Church at Bagong Silangan Elementary School.
Samantala, 227 pamilya ang nasa Fairview Elementary School at inaasahang makababalik sa kanilang mga tahanan ngayong hapon, depende sa kondisyon at kaligtasan ng kanilang mga lugar.
Batay sa field monitoring ng Deparmemnt of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office-NCR, umaabot pa sa 486 na pamilya ang nananatili sa Bagong Silangan Permanent Evacuation Center.
Nasa 286 na pamilya naman ang kasalukuyang nakasilong sa North Fairview High School.
Patuloy ang monitoring at koordinasyon ng DSWD at lokal na pamahalaan upang matiyak ang kalagayan at pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha.