Tinukoy ng Department of Health (DOH) na 229 Super Health Centers sa bansa ang hindi pa operational.
Ayon kay Health Secretary Edwin Mercado, sa 806 Super Health Centers na kabilang sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP), 484 na ang completed habang 241 ang ready for occupancy.
Sa 241 ready for occupancy, 222 ang operational habang 19 ang hindi pa nagagamit.
Sa 224 partially completed facilities, 14 ang operational at 210 ang non-operational.
Paliwanag ni Mercado, hindi pa nabibigyan ng License to Operate ang 229 pasilidad dahil hindi pa nakukumpleto ng ilang local government unit ang mga requirement ng DOH licensing bureau.
Dahil dito, naglabas ang DOH ng Omnibus Guidelines para matiyak na kumpleto muna ang mga kinakailangan ng local government unit bago maisama sa pondo at maipatupad ang mga health infrastructure project.
Kabilang sa mga precondition ang maayos na site at titulo ng lupa, commitment ng LGU sa health personnel, at iba pang resources, aprubadong disenyo, at counterpart o matching commitment para mapatakbo ang pasilidad.
Sinabi rin ng kalihim, na target ng DOH na makumpleto ang 176 primary care facilities sa 2027 na may kabuuang panukalang budget na ₱506 milyon.