Mahalaga ang papel ng mga kabataan sa pagpapanatili ng kaligtasan sa mga paaralan.
Ito ang binigyang diin ng Police Regional Office 6 kasabay na rin ng Crime Prevention Week at Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) Capabiliy Enhancement Training sa Western Visayas.
Ayon kay PRO6 Director, PBGen. Randulf Tuaño, layon nito na isulong ang mas ligtas na learning environment sa mga Paaralan sa rehiyon sa pamamagitan ng pagtutulungan at pag-iwas sa mga insidente.
Itinataguyod din nito ang school-based initiative para hubugin ang mga mag-aaral sa pamumuno, disiplina, pananagutan, at paggalang sa batas.
Habang pinapalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa mga usaping maaaring makaapekto sa school community, kabilang ang bullying, illegal drugs, road safety, at disaster preparedness.
Bahagi ng aktibidad ang Youth Safety Watch initiative ng Boracay National High School, na isinagawa katuwang ang Malay Municipal Police Station at ang Local Government Unit of Malay.
Sa pamamagitan ito ng Municipal Peace and Order Council at Municipal Anti-Drug Abuse Council.